US COVID-19 death toll, lampas na sa 400K halos isang taon matapos ang unang kaso sa bansa

UMABOT na sa 400,000 na ang death toll sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa United States (US) halos isang taon matapos maitala ang unang kaso sa bansa.

Ayon ito sa huling tala ng John Hopkins University nitong hapon ng Martes, Enero 19.

Ang nasabing bilang ay mas higit sa naitalang bilang ng mga nasawi sa pinagsamang World War 1, Vietnam War at ng Korean War at halos kasing pantay ng mga bilang ng mga nasawing American militar sa World War II.

Matatandaan na unang naitala ang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa Amerika noong Enero 29, 2020 sa Washington state.

Halos isang taong nakararaan ay nasa 24 milyon na ang kaso ng COVID-19 sa US, pinakamataas na bilang ng kaso sa buong mundo.

Naitala sa California ang 3 milyong kaso, sumunod ang Los Angeles na may mahigit 1 milyong kaso.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.