PINAHINTULUTAN na ng US Food and Drug Administration (FDA) ang Pfizer na ibyahe o iimbak ang COVID-19 vaccines ng hanggang dalawang linggo sa “coventional temperatures” o normal freezer temperatures na karaniwan ay matatagpuan sa mga pharmaceutical freezers.
Dahil sa desisyong ito ng FDA, mababawasan na ang problema sa pag-imbak at pamahagi ng nasabing mga bakuna.
Unang nirekomenda ng FDA na iimbak ang mga bakuna ng Pfizer-BioNTech sa ultra-cold temperatures sa pagitan ng -80 hanggang -60 degree Celsius.
“This alternative temperature for transportation and storage of the undiluted vials is significant and allows the vials to be transported and stored under more flexible conditions,” ayon kay Dr. Peter Marks, director ng Center for Biologist Evaluation and Research ng FDA.
“The alternative temperature for transportation and storage will help ease the burden of procuring ultra-low cold storage equipment for vaccination sites and should help to get vaccine to more sites,” dagdag aniya.
Ang pagbago ng storage temperatures para sa bakuna ay itala sa “fact sheet” updates para sa health care providers na nangangasiwa ng bakuna na makikita sa website ng FDA.