US Firm Moderna, 20 milyon dosis darating na sa bansa

AABOT sa 20 milyong dosis ang darating sa bansa sa unang batch na COVID-19 vaccines ng US Firm Moderna sa katapusan ng Mayo o sa Hunyo.

Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez sa Laging Handa Virtual press briefing.

Ayon kay Romualdez, kalahati ng mga bakuna ay gagamitin ng pribadong sektor habang ang natitirang kalahati ay para sa mga health workers at sa mga lokal na pamahalaan.

Sa ngayon, ang Moderna vaccine ay nagpakita ng 94% efficacy rate matapos ang isinagawang human trials rito.

Samantala, sinabi ni Romualdez na inaasahang darating din sa bansa sa mga susunod na linggo ang 117,000 dosis ng Pfizer’s COVID-19 vaccine na mula sa World Health Organization-led COVAX Facility.

Habang naglaan din aniya ang American company na Johnson and Johnson ng anim na milyon ng kanilang Janssen COVID-19 vaccine para sa Pilipinas.

Gayunman, wala pa aniyang maibigay na petsa ang kompanya kung kailan na ito maide-deliver sa bansa.

SMNI NEWS