KINUMPIRMA ni US House of Representatives Speaker Kevin McCarthy na makikipagpulong ito kay Taiwan President Tsai Ing-wen bukas, Abril 5.
Ang pagpupulong sa pagitan ng Taiwan at China ay inaasahang ikagagalit ng China na nauna nang nagpahiwatig ng pagbabanta kung sakaling itutuloy ni Tsai Ing-wen ang nasabing ugnayan.
Ayon sa maiksing pahayag mula sa opisina ni McCarthy, ang pagpupulong ay magiging bipartisan at gaganapin ito sa Ronal Reagen Presidential Library.
Itinuturing ng Beijing ang Taiwan bilang teritoryo nito at paulit-ulit na rin nitong iginiit na muli nitong sasakupin ang Taiwan sa pamamagitan ng puwersa o diplomasya.
Paulit-ulit na rin itong nagsagawa ng malakihang military exercise sa kapaligiran ng Taiwan gaya ng pagpapasabog ng ballistic missiles at marami pang iba.