US, ikinokonsidera ang entry restrictions sa mga biyaherong mula China dahil sa COVID-19 surge doon

US, ikinokonsidera ang entry restrictions sa mga biyaherong mula China dahil sa COVID-19 surge doon

IKINOKONSIDERA ng United States ang entry restrictions para sa mga biyaherong manggagaling sa China ayon sa mga opisyal ng Estados Unidos dahil sa biglaang paglobo ng kaso ng COVID-19 doon.

Biglang lumala at dumami ang COVID-19 infections sa buong China habang tinanggal na rin ang containment policy nito na nagresulta sa pagkabahala ng mga opisyal ng US sa potensyal ng pagkakaroon ng bagong variant.

Mas naging malinaw ang posibilidad na ito nang inanunsyo ng Beijing na tatanggalin na nito ang mandatory COVID-19 quarantine para sa mga overseas arrivals mula January 8 na naging dahilan upang marami sa China ang nagmadaling nagplanong lumipad ng ibang bansa.

Ayon sa mga opisyal ng US, mayroong lumalalang pagkabahala sa international community patungkol sa nangyayaring COVID-19 surges sa China at kawalan ng transparent data kabilang na ang viral genomic sequence data na inirereport mula sa People’s Republic of China.

Follow SMNI NEWS in Twitter