US, iniluklok na ang bagong House Speaker pagkatapos ng 15 na eleksyon

US, iniluklok na ang bagong House Speaker pagkatapos ng 15 na eleksyon

INILUKLOK na ang bagong House Speaker sa Amerika pagkatapos ng 15 na eleksyon.

ANG halalan bilang House Speaker ng Estados Unidos, pangatlo sa pinakamataas na posisyon sa bansa ay naganap hindi lang sa isa kundi sa 15 sesyon noong Sabado.

Tinapos ang karera sa Kamara sa ika-apat na araw ni Kevin McCarthy, Republican Representative ng California, pagkatapos ng 15 eleksyon, na kung titignan sa kasaysayan ay nangyayari sa unang sesyon pa lang.

Ito ang pinakamatagal na halalan sa tagapagsalita ng Kamara simula pa noong 1859.

Ang suporta para kay McCarthy ay nalagay sa peligro ng pakunti nang pakunti ang mga botong natatanggap niya sa unang 3 araw ng botohan mula sa 203 na boto noong Martes hanggang 200 sa ika-11 na boto noong Huwebes, na kulang sa bilang na kailangan upang maipanalo ang posisyon.

Sa eleksyon sa Amerika, kinakailangan niya ng suporta ng higit sa kalahati ng 435 na representatives, o hindi bababa sa 218.

Binati naman ni Pangulong Joe Biden si McCarthy sa kanyang pagkahalal bilang House Speaker matapos ang komento nito sa tagal na ginugol upang makapili ng House Speaker.

Si McCarthy ay opisyal ng nanumpa sa tungkulin at ngayon ay ang ika-55 Speaker ng House of Representatives ng Estados Unidos.

Ayon kay McCarthy, panahon na para sa karamihan ng Republikano na maging tagapagbantay at tagapagbigay balanse sa mga patakaran sa isusulong ni Pangulong Joe Biden.

Follow SMNI NEWS in Twitter