KANSELADO na muna ang US leg ng “Area 52” world tour ni BamBam ng K-pop boy group na GOT7.
Nakatakda sana ito sa Pebrero 10-24, 2024.
Sa anunsiyo ng Abyss Company, sanhi ng kanselasyon ay ang lumalalang ankle injury ng singer-rapper.
Ang lahat na nakabili na ng tickets ay makatatanggap ng refund ayon sa talent agency.
Sa panig ni BamBam, sinabi nito na excited sana siya para sa kaniyang US leg at sa katunayan ay may inihanda itong bagong kanta na kakantahin sa unang pagkakataon sa nabanggit na schedules.
Pumunta na si BamBam sa Manila noong Setyembre 22, 2023 para sa Asia leg ng naturang world tour.