US, mananatili ang travel ban sa UK sa kabila ng utos ni Trump na alisin na ito

NAG-anunsiyo ang White House na tatanggalin na ang travel ban nito sa UK sa Enero 26, anim na araw pagkatapos ng pagluklok ni President-elect Joe Biden.

Ayon sa spokesperson ni Biden na si Jen Psaki, hindi ngayon ang tamang panahon para alisin ang paghihigpit sa travel measures.

Ilang minuto matapos mag-isyu ng kautusan si President Donald Trump, nag-Tweet si Psaki kung saan sinabi nito na isa sa abiso sa kanila ng medical team, hindi maaaring tanggalin ng administrasyon ang restriksyon sa Enero 26.

Dagdag pa ni Psaki, sa katunayan ay nagpaplano sila na pagtibayin ang public health measures sa international travel upang maibsan ang pagkalat ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.