MAS palalawigin pa ng Estados Unidos ang training nito para sa pwersa ng Ukraine upang mapagtuunan ng pansin ang larger-scale maneuvers pati na ang mga instruction sa ilang partikular na weapons systems ayon sa Pentagon.
Ayon kay Pentagon Press Secretary Brigadier General Pat Ryder, kasali sa bagong inisyatibo ang pinagsamang arms operations training habang binubuo ang specialized equipment training na kanila nang ibinibigay.
Ani Ryder, ang programang ito ay makapagbibigay ng training sa nasa 5,000 na Ukrainians kada buwan at inaasahan itong magsisimula sa Germany sa susunod na buwan.
Matatandaan na nagbibigay na ang pwersa ng Amerika ng kaparehong training sa loob ng Ukraine ngunit dahil sa pananakop at pag-atake ng Russia ay natapos ang inisyatibong ito at pinalikas ang US troops palabas ng bansa.