NAKIKIALAM ang Estados Unidos sa naganap na EDSA People Power Revolution noong taong 1986.
Ayon ito kay dating Press Attache to the United States at Political Analyst Ado Paglinawan sa panayam ng SMNI News.
Sinabi rin ni Paglinawan na hindi nangyari ang rebolusyon noon para mapalitan ang gobyerno.
Ang pinakalayunin aniya dito ay ang mapatalsik talaga si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. mula sa pwesto.
Sa kabilang banda, sinabi ni Paglinawan na mapangalagaan din sana ng bansa ang foreign policy nito lalo na’t nagmimistulang may nangingialam naman at itinutulak ang Pilipinas sa isang giyera.
Kung mapapansin, biglang umiba ang timpla ng gobyerno hinggil sa China at Estados Unidos.
Ikinatakot din ni Paglinawan na magkakaroon ngayon ng People Power laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil dito.