US Pres. Biden, inanunsiyo ang muling pagtakbo sa 2024 election

US Pres. Biden, inanunsiyo ang muling pagtakbo sa 2024 election

PORMAL na inanunsiyo ni Democrats US President Joe Biden ang desisyong tumakbo muli sa pagkapangulo sa nalalapit na halalan sa bansang Estados Unidos.

Sa isang 3-minute video ng campaign announcement ni Biden, inihayag nito ang kaniyang mga layunin, ang tapusin kung ano ang nasimulan ng kaniyang administrasyon.

Iginiit naman ni Biden na ang pagbibigay ng personal na kalayaan at pagpapalakas ng demokrasya ng bansa ang pinakauna at pinaka-importanteng ibibigay niya sa mga mamamayan.

Magugunitang noong November 2020 US elections ay nanalo si Biden laban kay dating US President at re-electionist Donald Trump.

Follow SMNI NEWS in Twitter