DUMATING na si US President Joe Biden sa Bali, Indonesia nitong Linggo para sa summit ng 20 largest economies ng mundo at high-stakes meeting kasama si Chinese Leader Xi Jinping.
Inihayag ng US leader na inaasahang makapagtatakda ng “red lines” sa relasyon ng Washington sa Beijing sa una niyang face-to-face talks bilang presidente kay Xi.
Ang superpower sitdown na siyang pinakamalaking pagtitipon ng grupo mula nang magsimula ang COVID-19 ay gaganapin sa darating na sidelines ng G20 Summit mula Lunes.
Ayon kay US President Joe Biden na kilala niya umano si Xi Jinping at ganoon din si Jinping sa kanya, mayroon lamang silang maliit na hindi pagkaunawaan at kailangan lamang nilang alamin kung saan at ano ang mga redlines dito upang mapag-usapan nang masinsinan.
Dagdag pa ni Biden umaasa rin siya na magtatapos ang nasabing pagpupulong na maaaring magtulungan ang dalawang bansa, ang dalawang presidente at maging ang mga koponan nito sa mga mahahalagang isyu.