INANUNSIYO ni Pangulong Donald Trump na siya at si Pangulong VlTrumpadimir Putin ng Russia ay nagkasundo na simulan ang mga pag-uusap upang wakasan ang digmaan sa Ukraine.
Ayon kay Trump, nagkaroon sila ng “mahaba at produktibong” pag-uusap sa telepono, kung saan napagkasunduan nilang simulan agad ang negosasyon para sa kapayapaan.
Plano nilang magpulong sa Saudi Arabia upang talakayin ang mga hakbang tungo sa pagtatapos ng hidwaan.
Bukod kay Putin, nakipag-usap din si Trump kay Pangulong Volodymyr Zelenskyy ng Ukraine.
Bagaman hindi malinaw ang eksaktong detalye ng kanilang pag-uusap, ipinahayag ni Zelenskyy ang kanyang kahandaan na makipagtulungan sa Estados Unidos para makamit ang kapayapaan.
Samantala, sinabi ni Defense Secretary Pete Hegseth na ang pagbabalik sa mga hangganan ng Ukraine bago ang 2014 ay “hindi realistiko” bilang bahagi ng kasunduan sa kapayapaan.
Dagdag pa niya, hindi sinusuportahan ni Pangulong Trump ang pagiging miyembro ng Ukraine sa NATO bilang solusyon sa hidwaan.