US President Joe Biden, pinirmahan ang “existential” EO patungkol sa climate crisis

“WE’VE already waited too long to deal with this climate crisis.”

Ito ang sinabi ni US President Joe Biden sa White House nang pirmahan niya ang Executive Order patungkol sa climate crisis.

Layon ng panibagong order na i-freeze ang extraction ng oil at gas at palawakin pa ang wind-produced energy sa 2030.

Kaugnay nito, ayon kay Biden, dapat ay manguna ang United States sa global response sa climate change crisis.

Samantala, nananawagan din si Biden sa US Director of National Intelligence na maghanda ng report patungkol sa security implications ng climate change.

SMNI NEWS