US regulators, nagbabala sa ‘toxic’ hand sanitizers mula sa Mexico

NAGBABALA ang US regulators sa hand sanitizers mula sa Mexico

Ito ‘y matapos magtaglay ng toxic ingredients ang naturang hand sanitizers.

Nag-anunsiyo ang United States ng countrywide “import alert” sa naturang produkto hanggang sa mapatunayan ng mga eksperto na ligtas ito.

Kaugnay nito, ayon sa FDA, 84% mula sa samples ng naturang hand sanitizers ay hindi pasok sa US regulations.

Samantala, nitong Enero lamang nasa mahigit 900 na accidental poisoning na ang naiulat sa United States kung saan karamihan sa mga ito ay bata.

SMNI NEWS