NAG-courtesy call si US Secretary of Defense Lloyd James Austin III kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Malakanyang, umaga ng Huwebes, Pebrero 2.
Bago magkita sina Pangulong Marcos at Austin, ay nagkaroon muna ng side meetings ang US official kasama sina National Security Adviser Eduardo Año at Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa Aguado Mansion.
Layon ng pagbisita ni Austin sa bansa na palakasin pa ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos lalo na sa isyu ng seguridad.
Una nang bumisita si Austin sa Filipino troops sa Zamboanga City nitong Pebrero 1.
Nakipagkita sa nasabing lugar ang US Defense secretary kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino at Major General Roy Galido ng Western Mindanao Command.
Dumating si Austin sa Pilipinas noong gabi ng Martes, Enero 31.