NAGKAGULO sa isang press conference sa Estados Unidos matapos posasan at pilit palabasin ang isang lalaki matapos niyang sugurin at kuwestyunin si Homeland Security Secretary Kristi Noem.
Ang nasabing lalaki–isang senador pala.
Habang nagsasalita si Homeland Security Secretary Kristi Noem ukol sa immigration crackdown sa Los Angeles…
Biglang sumigaw si Democrat Senator Alex Padilla, at nagtangkang magtanong kay Noem sa kalagitnaan ng press con.
Agad naman siyang sinunggaban ng mga awtoridad, pinadapa sa hallway, at pinosasan.
Pagkatapos ng insidente, nagkausap sila ni Noem nang 15 minuto.
Ayon sa senador, ang nangyari sa kanya ay larawan ng kung paano tinatrato ng gobyerno ang karaniwang tao sa gitna ng tensyon sa immigration.
Giit ni Padilla, nagpakilala siya bago pumasok.
Depensa naman ng White House, hindi raw nagpakilala si Padilla, at walang suot na senate pin.
Dagdag pa ng White House, hindi raw sagot ang habol ni Padilla, kundi atensyon.