US VP Harris, dumating na sa Ghana para sa 3-Nation African Tour

US VP Harris, dumating na sa Ghana para sa 3-Nation African Tour

DUMATING na sa Ghana si US Vice-President Kamala Harris para sa kaniyang 3-Nation African Tour.

Kabilang sa nasabing African tour ay ang bansang Ghana, Tanzania, at Zambia.

Nakatakdang magtungo si Harris sa Tanzania at Zambia hanggang Abril 2.

Layon ng nasabing biyahe ay para mapalakas ang ugnayan ng US sa African continent.

Kasama ang asawang si 2nd Gentleman Douglas Emhoff at sila ay sinalubong ni Vice- President Mahamudu Bawumia at ilang opisyal ng gobyerno.

Ang naturang biyahe ay bilang resulta sa isinagawang summit noong Disyembre na pinangunahan ni US President Joe Biden, kasama ang mga lider mula sa African continent.

Follow SMNI NEWS in Twitter