KABILANG ang usaping geopolitical sa mga tututukan at tatalakayin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ibabahagi ni Pangulong Marcos ang mga hakbang ng Pilipinas upang tugunan ang naturang usapin.
Saysay ng PCO, kasabay ng pag-unlad ng mga bansa ay ang pag-usbong din ng usaping geopolitical na karaniwang nangyayari sa anyo ng digmaan, terorismo, at tensyon sa pagitan ng mga bansa.
Sinasabing nakaaapekto rin sa ugnayang panlabas ng bawat rehiyon sa mundo ang usaping geopolitical.
Kabilang sa mga halimbawa ng geopolitical risks ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, COVID-19 pandemic, tunggalian ng mga bansa, at territorial at border disputes. Switzerland