NAGPASAKLOLO na sa Korte Suprema si Duterte Youth Chair Ronald Cardema kasama ang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio para harangin ang napipintong pag-upo ni dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon bilang kongresista.
Punto ni Cardema malinaw na labag sa batas ang late substitution ni Guanzon.
Matatandaan na noon lamang Hunyo 14, 2022 nagwithdraw ang mga nominees ng P3PWD Party-list at inihain ang panibagong substitusyon para sa dating commissioner kahit matagal nang tapos ang eleksyon.
Partikular aniya na nilabag ni Guanzon ang COMELEC rules on the deadline of substitution, ang Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees.
Ayon kay Cardema dapat matanto ng COMELEC ang mga nalabag sa batas matapos paboran ang susbtitusyon ni Guanzon kamakailan.
Aniya, dapat rule of law ang kailangang ipairal sa isyu ng substitusyon gaya ng sinasabi ni Guanzon noong COMELEC commissioner pa ito.