Utang ng Philhealth sa Red Cross, aabot sa P713 Milyon. Ito ang inihayag ni Sen. Richard Gordon, Chairman ng Philippine Red Cross hinggil sa pagbabayad ng Philippine Health Insurance sa kanilang utang.
“Bumaba na ng 400 ‘yan tapos sinasadya nila, urong sila eh. ang gusto kasi, siguro tumigil sila, para ang mga bata nila ang mapapansin.”ani gordon, aabot pa sa p713-m ang kasalukuyang utang ng philhealth sa red cross.
Dagdag pa ni Sen. Gordon, binababa na nila ang presyo ng Covid-19 testing at nagkaroon na rin ng saliva test upang mas maging mura ang presyo.
“oo, 2k lang ‘yon, puede ko pang ibaba yon. ang tanong ko sayo, kailangan ba ang red cross ang gagawa nito?”
Ayon pa kay sen. Gordon, ang Red Cross ang may pinaka-maraming ginawang Covid-19 test sa buong pilipinas.
Aniya, nasa 2.3M na ang nasuri ng Philippine Red Cross.
Samantala, ani Gordon, si pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maaring makatutulong upang maresolba ang isyung ito.