Utang ng Pilipinas, bumaba ng 16% noong 2022

Utang ng Pilipinas, bumaba ng 16% noong 2022

BUMABA ang utang ng Pilipinas noong taong 2022 at ikinatuwa ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa datos ng Bureau of Treasury (BOT), P2.16 trillion ang utang noong 2022, mas mababa kung ikukumpara sa P2.68 trillion noong 2021.

Ayon kay Pangulong Marcos sa kaniyang official Twitter post, 16% ang ibinaba ng utang ng Pilipinas.

Ibig sabihin aniya, epektibo ang mga hakbang at polisiya ng gobiyerno sa Department of Budget Management (DBM).

Nangangahulugan na rin ito, na hindi na gaanong dumedepende ang bansa sa pangungutang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter