Utang ng Pilipinas hanggang nitong November 2024, nasa P16.09T na

Utang ng Pilipinas hanggang nitong November 2024, nasa P16.09T na

TUMAAS pa ng mahigit 10% ang utang ng Pilipinas hanggang nitong Nobyembre 2024 kumpara noong Nobyembre 2023.

Sa iniulat ng Bureau of Treasury, nasa P16.09T na ang kasalukuyang utang ng bansa.

Sa kaparehong panahon noong 2023, nasa P14.508T lang ang utang ng Pilipinas.

Isa sa itinuturong dahilan ng pagtaas ng utang ay ang epekto ng paghina ng piso na umabot sa 58 kumpara sa isang dolyar noong Nobyembre 2024.

Samantala, kumpara noong Oktubre 2024, nasa P16.02T lang ang utang ng pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble