Utility companies, tinatrabaho na ang pagpapanumbalik ng kuryente sa LA

Utility companies, tinatrabaho na ang pagpapanumbalik ng kuryente sa LA

TINATRABAHO na ng utility companies ang pagpapanumbalik ng kuryente ng sampu-sampung libo nilang mga kustomer sa Los Angeles, California, USA.

Sa pahayag ng Southern California Edison at Los Angeles Department of Water and Power, may naibalik nang mga kuryente sa ibang bahagi ng lugar ngunit marami pa rin ang wala.

Sa ngayon ay nasa 24 katao na ang nasawi dahil sa nagpapatuloy na wildfires.

Nasa 12K na rin ang mga istrukturang napinsala dahil dito.

Noong Enero 7, 2025 nag-umpisa ang mga wildfire sa Los Angeles.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble