UV Express, aarangkada na simula ngayong araw

UV Express, aarangkada na simula ngayong araw

AARANGKADA na sa lansangan sa bansa simula ngayong araw ang mga mahigit 900 UV Express.

 

Ito inanunsiyo ni LTFRB Chairman Martin Delgra makaraan ang mahigit tatlong buwan na pagkatingga dahil sa ipinairal na quarantine protocols dahil sa banta ng COVID-19.

 

Sinabi ni Delgra na ang pagbalik sa kalsada ng mga traditional jeepney at UV Express ay alinsunod sa patakaran ng Department of Transportation-Hierarchy of Public Transport na inaprubahan ng IATF.

 

Aasahan naman ang pagbabalik ng road worthy na mga jeepney sa Myerkules o Huwebes ngayong linggo.

 

Ang ginawang desisyon ay dahil hindi kaya ng mga bus at modern public utility vehicles na maserbisyuhan ang malaking populasyon ng mga commuters lalo na sa Metro Manila.

 

Mga lumang sasakyan sa lansangan, delikado —MMDA

 

Inihayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na delikado ang mga lumang sasakyan sa lansangan.

 

Madalas umano na nasasangkot sa aksidente ang mga pampublikong sasakyan gaya ng jeepneys dahil sa luma na ang karamihan sa mga ito.

 

Sa datos ng MMDA, nakapagtala sila ng umaabot sa 40,137 kung saan   33,230 dito ay damage to property, pagkamatay-130 at non-fatal injury-6,777.

 

Batay naman sa pag-aaral ng Department of Environment and Natural Resources (DENR),  parang pumapatay na ang mga inilalabas na usok mula sa mga lumang sasakyan dahil nasa 80 porsyento na air pollution sa Metro Manila ay mula sa malakas na usok na ibinubuga ng mga lumang jeepney

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.