Vaccination card  kailangan ipakita sa pagpasok sa Alert Level 3 areas

Vaccination card kailangan ipakita sa pagpasok sa Alert Level 3 areas

PINAPAYUHAN ang mga motorista na papasok sa mga lugar na nasa Alert Level 3 status na ugaliing magdala ng vaccination card bago ito payagang makatawid sa mga border control points ng Bulacan at Metro Manila.

Dapat bakunado, isa lamang ito sa mga kailangan para payagan ang isang indibidwal na makapasok ngayon sa mga pampublikong lugar at etablisimyento sa Kalakhang Maynila at karatig probinsiya nito.

Hakbang ito para maiwasan ang lumalawak at mas mabilis na pagkalat ng COVID-19 cases sa bansa.

Kahapon umabot sa mahigit 17,000 kaso ng COVID-19 ang naitala mula sa naunang sampung libong kaso.

Kaugnay nito, inatasan na pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan para sa mahigpit na pagpapatupad ng minimum health protocol laban sa COVID-19.

Ngayon palang pinapaalalahanan na ng PNP ang lahat ng mga motoristang papasok sa Bulacan at Metro Manila ang pagdadala ng vaccination card bilang requirement para makapasok sa mga nabanggit na lugar na nagpapatunay na ang lahat ng pumapasok sa border ay bakunado.

Matatandaang, isinailalim na sa Alert Level 3 status ang probinsiya ng Bulacan at kalakhang Maynila dahil sa tuluy-tuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19.

Maaga na ring ihinihingi ng paumanhin ng PNP sa mga motorista sakaling hindi payagan ang mga ito na makapasok sa mga lugar na may ganitong klaseng paghihigpit.

 

Follow SMNI NEWS