Vaccination drive, susi para sa economic recovery ng bansa— BSP

Vaccination drive, susi para sa economic recovery ng bansa— BSP

MAGBUBUNGA ng mas mabuting economic activities ang pag-arangkada ng vaccination drive kontra COVID-19, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno.

Ayon kay Diokno, oras na mababakunahan ang malaking porsyento ng populasyon ay unti-unti nang mararamadaman ang economic rebound.

Dito rin aniya magsisimula ang muling pagsigla ng sentiment at consumer demand at mas maraming indibidwal na ang muling manghihiram sa banko.

Nauna namang inihayag ng opisyal na posibleng mas mataas sa target na 2-4% ang inflation ng bansa bago tuluyang umabot sa taong 2022 dahil sa pagpapatuloy na vaccination drive.

Mahigit 1 milyong katao sa Pilipinas, fully vaccinated na kontra COVID-19

Fully vaccinated na kontra COVID-19 ang mahigit isang milyong katao sa Pilipinas.

Sa datos mula sa National Task Force (NTF) against COVID-19 at Department of Health (DOH), nasa kabuuang 4,495,375 vaccine doses na ang naturok sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, umabot na sa 3,466,314 ang naturukan ng first dose habang 1,029,061 ang bilang na nakatanggap ng second shots.

Batay din sa datos, mayroong average na 145,243 vaccine doses ang naiturok sa nakalipas na pitong araw.

Sa priority populations, 1.3 million doses ang naitala sa frontline healthcare workers, 1.1 million doses sa senior citizens, 941,091 doses sa persons with comorbidity at 10,695 doses ang natanggap sa essential workers bilang first vaccine shots.

Mayroon namang 581,797 para sa medical workers, 195,952 sa senior citizens, 250,777 para sa persons with comorbidity, at 535 sa essential workers ang nakatanggap na ng ikalawang doses.

 

SMNI NEWS