Vaccination, importante para hindi masira ang usad ng ekonomiya – presidential adviser

Vaccination, importante para hindi masira ang usad ng ekonomiya – presidential adviser

MASISIRA ang usad ng ekonomiya ng bansa kung marami pa rin ang hindi mababakunahan.

Ito ang muling ipinaalala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion sa panayam ng SMNI News.

Kasunod ito sa pagkakaudlot ng bakunahan ng edad 12-17 na nakatakda sanang isagawa noong Sabado, Hunyo 25.

Aniya, maliban sa kailangan ng mga bata ng proteksyon ngayong sasailalim na sila sa face-to-face classes, posibleng magkakaroon ng outbreak kung hindi sila matuturukan ng booster shots.

Dahil dito, posibleng ipatutupad muli ang lockdown at ito na ang makasisira sa nagre-recover pa lang na ekonomiya ng bansa.

Samantala, hinggil sa ekonomiya, ayon kay Concepcion, nararapat na matutukan ng Marcos administration ang sektor ng agrikultura.

Ito lang aniya ang hakbang upang mapangasiwaan ng bansa ang krisis na nararamdaman sa kasalukuyan kabilang na ang patuloy na taas-presyo sa petrolyo.

 Follow SMNI NEWS in Twitter