Vaccine Czar, itinangging mahal ang presyo ng Sinovac Vaccine

IPAG-uutos ng mga senador sa mga executive official na mai-disclose ang presyo ng mga vaccine na balak bilhin ng gobyerno sa gagawing ikalawang pagdinig ng Senado sa ngayong araw ng Biyernes para sa immunization program ng pamahalaan.

Ayon kay Majority Floor Juan Miguel Zubiri ipapakiusap nila ang nasabing usapin para sa layunin ng transparency sa lahat ng mapapagkasunduan ng gobyerno sa mga pharmaceutical company pagdating sa pag-procure ng bakuna kontra COVID-19.

Aniya maaari nilang gawin ang pag-uusap sa pamamagitan ng executive session para hindi malabag ng National Task Force ang kanilang non-disclosure agreement sa mga vaccine manufacturers.

Pinuna din ni Senador Zubiri ang mataas na presyo ng Sinovac vaccine na aabot sa tatlong libong piso.

Matatandaan na isa rin ito sa mga pinuna ni Sen. Panfilo Ping Lacson habang si Sen. Sonny Angara ay nagpalabas pa ng listahan ng presyo ng bawat bakuna na kung saan pangalawa ang Sinovac sa mga pinakamahal na bakuna.

Pinabulaanan naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez na may kamahalan ang bakuna.

Aniya kapresyo lang ito sa iba pang bakuna tulad ng Novavax at Gamaleya.

Aniya sa bagsak presyo nila nakuha ang Sinovac vaccine na nakatakdang dumating sa bansa sa buwan ng Pebrero.

SMNI NEWS