Vaccine hesitancy sa QC, bumaba

Vaccine hesitancy sa QC, bumaba

BUMABA na ang vaccine hesitancy sa Quezon City kasunod ng pagsipa ng Omicron cases sa National Capital Region (NCR).

Tuloy-tuloy ng gumaganda ang COVID-19 response ng lokal na pamahalaan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nababakunahan.

Pumalo na sa higit 5-M indibidwal sa Quezon City ang nakatanggap na ng kanilang COVID-19 doses.

Hudyat ito na bumaba na ang vaccine hesitancy ng mga residente laban sa mas nakakahawa at nakakamatay na virus.

As of February 2, umabot na sa higit 2-M adult at minors ang fully vaccinated habang nasa 2.2-M residente at manggagawa ng QC ang nabakunahan ng first dose.

Patuloy rin ang pagbabakuna sa minors with or without comorbidity kung saan pumalo na sa higit 200-K bata ang bakunado.

Mas pinaigting pa ng QC LGU ang kanilang programa sa pagbabakuna sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang mga vaccination site.

Bukas ang halos 140 vaccination centers upang tumanggap ng mga residenteng hindi pa bakunado.

Kabilang sa ginawang sites ay ang mga health center, mall, school, community venue, simbahan, at ang Quezon Memorial Circle.

Maliban dito, nagsimula na rin ang vaccination activities sa mga subdivision at ilang private companies, government agencies at mga home care limitado rin tinatanggap ang mga walk in sa mall.

Samantala, tuloy tuloy naman ang pagbaba ng active cases ng lungsod, nasa  2.13% o 5,453 na lang ang positibo mula sa dating 6,828 nitong Pebrero 1.

Senyales ito na bumubuti na ang COVID-19 response ng lungsod sa kabila ng banta ng Omicron cases sa National Capital Region.

Hinihikayat din ang QCitizens na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

Ang mga nasabing bilang ay dumadaan sa validation ng CESU at DOH upang masiguro na sila ay residente ng QC at maaari pa ring magbago ang bilang ng mga kaso dahil sa patuloy na isinasagawang community-based testing.

SMNI NEWS