UMABOT na sa 8.42 percent ang “wastage” o nasayang na COVID-19 vaccines mula sa kabuuang bilang ng mga bakuna na natanggap ng Pilipinas.
Ito ang iniulat ni Department of Health (DOH) OIC Dr. Maria Rosario Vergeire sa Senate Committee on Health and Demography Hearing.
Ang 8.42% vaccine wastage ay mas mababa sa 10% na allowable wastage o pinapayagan ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay Vergeire, pangunahing dahilan ng pagkasayang ng mga bakuna ay expiration, operations-related issues gaya ng nabuksan ng bote ng bakuna pero hindi nagamit, natapon, basag ang vials, may backflow o umapaw o may natira dahil sa underdose.
Mayroon din aniyang mga nasayang dahil sa natural disasters gaya ng tumama ang Bagyong Odette noong 2021, sunog at mga lindol at mga hindi nagamit na bakuna dahil sa temperature control issues.