Valenzuela City may malawakang dengue clean-up drive ngayong araw

Valenzuela City may malawakang dengue clean-up drive ngayong araw

NGAYONG araw ay may malawakang dengue clean-up drive ang Valenzuela City kasabay ng selebrasyon ng Dengue Awareness Month.

Katuwang ang Department of Health-Metro Manila Center for Health Development ng dengue clean-up drive.

Kasunod na rin ito sa tumataas na kaso ng mosquito-borne infectious disease sa bansa.

Pinangunahan nina Valenzuela Mayor Rex Gatchalian at DOH Regional Director Dr. Gloria Balboa at ilang opisyal ng ahensya ang naturang selebrasyon.

Nasa 33 barangays ang nagtulong-tulong ngayong umaga para sa simultaneous dengue clean-up drive.

Mababatid na ang lamok ay namamahay  sa madidilim na lugar at nangingitlog sa malilinaw at hindi dumadaloy na tubig.

At isa sa mga sintomas ng sakit na dengue ay mataas at tuloy-tuloy na lagnat, rashes, pananakit ng kasu-kasuan, walang ganang kumain, pagkahilo at pagsusuka, pananakit ng tiyan at pagdurugo ng ilong o gilagid.

Dahil dito, hinihikayat ng Valenzuela Government lahat na makipagtulungan sa naturang programa upang protektahan ang kalusugan ng bawat isa lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Lalo na raw ang dengue ay walang pinipiling panahon mapa tag-ulan man o tag-araw kaya’t dapat maging handa at maingat sa sakit na ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter