Valenzuela City, nakapagtala na rin ng unang kaso ng COVID-19

NAKAPAGTALA na ng unang kaso ng COVID-19 ang Valenzuela City.

Ayon sa kay Mayor Rex Gatchalian naka-home quarantine na ngayon ang 34 years oĺd na babae na nagposito sa naturang virus.

Pero ayon kay Gatchalian, hindi malubha ang kondisyon ng babae na mayroon lamang mild flu like symtoms.

Walang travel history ang pasyente pero ang asawa nito ay may travel history sa Malaysia.

Tiniyak naman ng alkalde na regular na minomonitor ang pasyente ng mga epidemiologists ng Valenzuela City.

Wala namang plano si Gatchalian na magsawaga ng total lockdown sa kabila ng may COVID-19 case na ang lungsod.

MARGOT GONZALES

Leave a Reply

Your email address will not be published.