Valenzuela City, nakapagtala ng 3 panibagong COVID-19 case ngayong araw

NAKAPAGTALA ngayon ang city health office ng lungsod ng Valenzuela ng 3 kaso ng nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), ang patient no. 3 ay 34-anyos na lalaki na immune compromised at walang travel history sa labas ng bansa.

Ang naturang pasyente ay dati nang na-admit sa ospital dahil sa sakit na pneumonia.

Makaraan ang ilang araw nang makalabas ng ospital, muli na namang nakaranas ng sintomas ang pasyente at nagpa-konsulta sa physician at binigyan ng antibiotic.

Sa ngayon, nasa ospital na ang 34-year old COVID-19 patient at naka-diagnose dahil sa severe pneumonia habang sina patient 1 at 2 naman ay nasa maayos na kalagayan.

Kaugnay nito, nagsasagawa na ng contact tracing at mahigpit na monitoring ang CESU ng lungsod sa mga nakasalamuha ng mga pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published.