Valenzuela RTC, nakatakdang basahan ng sakdal si Alice Guo

Valenzuela RTC, nakatakdang basahan ng sakdal si Alice Guo

BABASAHAN na ng desisyon o sakdal si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 95, araw ng Biyernes, Setyembre 20, 2024.

Ito’y matapos na ilipat sa Valenzuela RTC ang kasong Graft na inihain ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay Guo mula sa Capas RTC sa Tarlac kasunod ng kahilingan ng Department of Justice (DOJ) sa Korte Suprema.

Sa impormasyon ng legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David, alas-1:30 ng hapon ang itinakdang arraignment laban kay Guo.

Inaasahan naman ang mahigpit na seguridad na ilalatag ng Philippine National Police (PNP) sa paghahatid kay Guo mula sa Custodial Center sa Kampo Krame patungong Valenzuela RTC at pabalik.

Bukod sa kasong Graft, naghain din ang DOJ ng kasong Human Trafficking laban kay Guo sa Pasig City RTC.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble