Validated election-related incidents, umakyat na sa 4—PNP

Validated election-related incidents, umakyat na sa 4—PNP

UMABOT na sa apat ang validated election-related incidents (ERIs) sa bansa.

Ito ay sa gitna ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo, kabilang sa validated ERIs ay ang insidente ng pamamaril sa Libon, Albay at Taal, Batangas.

Gayundin ang insidente ng alarm at scandal sa Malabang, Lanao del Sur at pamamaril sa Piagapo, Lanao del Sur.s

Puspusan ang paghahanda ng PNP upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang halalan sa bansa.

Habang nagpapatuloy rin ang isinasagawang checkpoint operations ng mga awtoridad lalo na ang pinaiiral na gun ban.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter