Validity ng provincial bus special permits, pinalawig pa hanggang Enero 15 ng LTFRB

Validity ng provincial bus special permits, pinalawig pa hanggang Enero 15 ng LTFRB

PINALAWIG pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang validity ng special permits para sa karagdagang provincial bus units hanggang sa Enero 15.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTFRB Technical Division Head Joel Bolano, ito ay upang ma-accommodate ang mga late nang babalik o uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Ayon kay Bolano, maglalabas ang LTFRB ng mas maraming special permit kung may agarang pangangailangan para sa karagdagang units sa bus operations.

December 2022 nang magbigay ang LTFRB ng special permits sa 639 additional provincial buses para ma-accommodate ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa kasagsagan ng holiday season.

Follow SMNI News on Twitter