‘PLAYER of the Game’ si Brooke Van Sickle sa naging laban ng Petro Gazz Angels kontra PLDT High Speed Hitters nitong Martes, Disyembre 10, 2024.
Ito’y matapos nag-ambag siya ng 21 points, 18 attacks, 2 blocks at 1 ace para sa Angels.
Dahil dito, panalo ang Angels sa iskor na 12-25, 25-14, 25-22, 25-20.
Samantala, ‘Player of the Game’ naman si Gretchel Soltones sa naging laban ng Akari Chargers at Chery Tiggo Crossovers.
Nag-ambag siya ng 22 points, 20 attacks, 1 block at 1 ace para sa Chargers.
Ang scoring ay 22-25, 26-24, 25-18, 25-20 pabor sa Chargers.