Vander Weide, nais magbalik bilang import sa bansa matapos ang unang matamis na karanasan sa PVL Reinforced Conference

Vander Weide, nais magbalik bilang import sa bansa matapos ang unang matamis na karanasan sa PVL Reinforced Conference

NAGING matamis ang unang karanasan ni Lindsay Cander Weide matapos ang una nitong season sa bansa sa pagtulong sa Petrogazz na maiuwi ang championship title ng Premier Volleyball League Reinforced Conference.

Muling ipinamalas ng American import ang galing nito sa loob ng court matapos itong magbigay ng 19 points sa Gazz Angels sa kanilang 4 set victory sa Game 2 ng best of 3 finals laban sa Cignal HD Spikers.

Ani Cander Weide, nais niyang makabalik sa Pilipinas upang makapaglaro at dagdag niya, ito ang pinakamasayang karanasan nito sa kanyang volleyball career sa ngayon.

Dahil sa tulong ng American import, itinanghal ito bilang Best Foreign Guest Player maging ang Finals Most Valuable Player na ikinagulat din nito.

 

 

Follow SMNI News on Twitter