Vanessa Hudgens, kinilala ang kagandahan ng Pilipinas

Vanessa Hudgens, kinilala ang kagandahan ng Pilipinas

KINILALA ng Fil-Am actress na si Vanessa Hudgens ang kagandahang taglay ng Pilipinas kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Sa kaniyang social media post, sinabi ng aktres na sabik na itong bumalik sa bansa upang mas malaman pa ang mga natatanging kultura at kasaysayan ng bansa.

Kasabay nito ang pagpapakita ng larawang nakasuot ito ng Filipiniana.

Layunin ng nasabing pahayag na mai-promote ang Pilipinas bilang isang magandang destinasyon.

Kamakailan lang nang itinanghal bilang Global Tourism Ambassadorship si Hudgens ng Department of Tourism (DOT) sa pakikipagtulungan sa Office of the Presidential Adviser on Creative Communications.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter