TAMPOK sa isang magazine cover ang Hollywood actress at Ph Global Tourism Ambassador na si Vanessa Hudgens na ipinapakita ang magandang beach sa Pilipinas.
Sa cover ng magazine na kuha sa El Nido, Palawan, suot-suot ni Hudgens ang gown na gawa ng Filipino fashion designer na si Vania Romoff.
Sa naging interview sa kaniya patungkol sa lugar, sinabi ni Hudgens na namangha ito sa ganda ng lugar dahil aniya para itong paraiso.
Hindi rin naman nakalimutan ni Hudgens na hangaan ang kabaitan na nadama nito sa pagbisita sa lugar.
Matatandaan na Marso ngayong taon nang idineklara ng Department of Tourism si Vanessa Hudgens bilang bagong Global Tourism Ambassador ng Pilipinas.
Kasabay ang pakikipagkita nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.