Vanuatu, niyanig ng 7.3 magnitude na lindol; Landslides, at pagkasira ng maraming building, naranasan

Vanuatu, niyanig ng 7.3 magnitude na lindol; Landslides, at pagkasira ng maraming building, naranasan

NASIRA ang maraming building at nagkaroon ng mga landslide sa Port Vila, ang capital city ng Vanuatu matapos niyanig ito ng 7.3 magnitude na lindol.

As of 4 AM ngayong araw, Disyembre 18, 2024, nasa 14 na ang naiulat na nasawi mula dito.

Nangyari ang pagyanig 1:47 PM Greenwich Mean Time o kung sa Manila Time ay 9:47 ng umaga nitong Martes, Disyembre 17, 2024.

Madalas nang nagkakaroon ng lindol ang Vanuatu subalit ito pa lang muli matapos ang 20 taon na naranasan nila ang ganito kalakas na pagyanig.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter