POSIBLENG sinadya na Hunyo ngayong taon ibigay kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bicam version noon ng Vape Law.
Ito’y para hindi na maaksyonan ang naturang panukala noon dahil alam nilang malaki ang tsansang i-veto ito ni dating PRRD ayon kay Atty. Sophia San Luis, executive director ng ImagineLaw sa panayam ng SMNI.
Kung sisilipin, Enero 26 pa pasado ang Vape Bill sa bicam.
Naiintindihan naman ni San Luis ang naging posisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil kapos na ito ng panahon para aralin ang panukala kaya nag-lapse into law na lang ang Vape Bill.
Sa ilalim ng Vape Law, pinapahintulutan na ang mga 18 years old na makakagamit ng vape.
Ayon kay San Luis, dahil sa nasabing batas ay dadami na ang makaka-access ng vape kahit nasa senior high school pa ito bagay na pangunahing pinangangambahan ng medical groups maging ang Department of Health.
Maliban pa dito, sanhi pa rin ng health problems ang vaping kahit sinasabi ng ilang advocate nito na mas malinis ito na uri ng sigarilyo.