Vape products na ibinibenta malapit sa paaralan sa Maynila, kinumpiska ng DTI

Vape products na ibinibenta malapit sa paaralan sa Maynila, kinumpiska ng DTI

IPINASARA ng Department of Trade and Industry (DTI) ang iba’t ibang vape shops sa lungsod ng Maynila matapos makitaan ng mga paglabag.

Sa RA No. 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act) kabilang na ang pagbebenta malapit sa paaralan.

Sinimot ng DTI ang mga patok na alternatibo na sigarilyo o vape products na bawal pala dahil sa nakaaakit na kulay at flavor.

Banana milk, Gummy Bear, Pretzel pangalan pa lang aakalain mong pagkain.

Ngunit, ang mga ito ay hindi pagkaing pambata kundi mga vape product na ibinibenta sa iba’t ibang vape shop sa bahagi ng Maynila na hindi awtorisado ng DTI.

Sinakalay ng DTI kasama ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga vape shop sa lungsod ng Maynila, umaga ng Lunes.

Ang vape shop sa bahagi ng Maceda St. sa nasabing lungsod ay sumunod anila sa panuntunan ng DTI.

Pero, kapansin-pansin na tinakpan lamang nito ang flavor descriptor o label na nakalagay gamit ang black marker.

Pinasok din ng DTI ang sikat na mall sa kahabaan ng Natividad, Lopez St. sa Maynila.

Nadiskubre ang ilang stall na nagbebenta ng vape products na malapit lamang sa 3 arcade o amusement center para sa mga bata.

Vape shops sa loob ng sikat na mall sa Maynila, ipinasara ng DTI

Dahil dito, nag-isyu ng closure order ang DTI sa dalawang vape stall sa loob ng mall.

Layunin ng DTI na palakasin ang kampanya kontra sa mga produktong ipinagbabawal na ibenta sa merkado higit lalo sa mga produktong tinatangkilik ng mga menor-de-edad.

Tulad ng vape products na mayroong flavor descriptors, makukulay o makinang na pakete na kaakit-akit tulad ng cartoon character, anime, at iba pa.

Base rin sa batas, dapat din nakalagay ang textual health warning sa bawat vape products, age verification system at kailangan din magpakita ng government identification ang customer.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter