VBank PH o ‘Banko ng Masa’, dinala ni Manong Chavit Singson sa Isabela

VBank PH o ‘Banko ng Masa’, dinala ni Manong Chavit Singson sa Isabela

MATAGUMPAY na inilunsad sa lungsod ng Santiago, lalawigan ng Isabela ang VBank PH o ‘Banko ng Masa’ na pinangunahan ni dating Ilocos Sur governor at ngayo’y senatorial candidate na si Manong Chavit Singson.

Sinabi ni Singson na maraming pribilehiyo ang paggamit ng VBank, mas mapapadali ang transaksiyon dahil hindi na kailangang pumunta sa bangko, nakakatipid sa oras at pera lalo’t ito ay walang sinisingil na service fee.

Dagdag pa ni Manong Chavit na tumutulong na siya sa mga mahihirap na Pilipino wala pa man siya sa Senado dahil sa hangarin niyang mapadali ang buhay ng mga tao sa pamamagitan ng digital banking na magagamit kahit nasa malalayong lugar.

Samantala ang pagkakaroon ng VBank account ang tanging paraan para makasali at makakuha ng premyo sa isinasagawang “Manong Chavit’s 58 Days Milyon Milyong Papremyo” kung saan mayroong 58 winners na mananalo ng P5,800, at isang lucky winner ng mag-uuwi ng P58,000 kada araw na live na napapanood sa kaniyang FB account.

Para tiyak na makapagbukas ng account, i-download ang VBank PH app sa Google Play o Apple Store at magrehistro dito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter