Venezuelan businessman, isa sa nasa likod ng pagpatay sa Pangulo ng Haiti

Venezuelan businessman, isa sa nasa likod ng pagpatay sa Pangulo ng Haiti

AYON sa Police Chief ng Haiti, isang Venezuelan ang isa pa umanong suspek sa pagpatay kay Haiti President Jovenel Moise.

Aniya, ang naturang businessman ay nagmamay-ari ng isang security company sa Florida.

Kaugnay nito, ayon sa National Police Chief ng Colombia, ginamit ni Antonio “Tony” Intriago, ang may ari ng CTU Security ang company credit card nito upang bumili ng 19 na plane ticket.

Ang naturang plane ay mula Bogota papuntang Santo Domingo para sa mga Colombian suspek na kasali umano sa pagpatay.

Samantala, wala namang inilabas na iba bang detalye at ebidensya patungkol sa paratang.

 

SMNI NEWS