IPINAGMAMALAKI ni Veronica “Kitty” Duterte na habang buhay niyang dadalhin ang karangalan na siya ay anak ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Nanalaytay sa kaniyang mga ugat ang dugong Duterte.
“I will forever walk with pride knowing that I am your daughter, your blood. I am a Duterte. The strength you raised me with will go untamed. I will stand by the promise I made you today. I love you,” emosyonal na pahayag ni Veronica Duterte, bunsong anak ni FPRRD.
Hindi mapigilan ng dalaga ang kaniyang emosyon nang makitang papaalis na ang eroplanong sinakyan ng kaniyang ama.
Ngunit hindi lang ang pamilya ng mga Duterte ang nalungkot, naging emosyonal at umiiyak kundi ang buong sambayanang Pilipino na nagmamahal sa dating Pangulo ng bansang Pilipinas.
Follow SMNI News on Rumble