Veteran actress Gloria Sevilla, pumanaw na sa edad na 90

Veteran actress Gloria Sevilla, pumanaw na sa edad na 90

PUMANAW na noong Abril 16 ang beteranang aktres na si Gloria Sevilla sa edad na 90.

Ayon sa anak ni Sevilla, ang actress-director na si Suzette Ranillo, pumanaw ang kanyang ina sa kanyang pagtulog sa bahay ng kanyang kapatid sa Oakland, California.

Kilala ang multi-awarded actress sa ilang Visayan Films at tinaguriang “Queen of Visayan Movies” sa kanyang di malilimutang mga pelikula kabilang ang “Pailub Lang” noong 1951, “Badlis sa Kinabuhi” noong 1969, at “Gimingaw Ako” noong 1973.

BASAHIN: Heart Evangelista, kinumpirma na bibida sa isang Netflix series

Follow SMNI NEWS in Twitter