Vhong Navarro, nailipat na sa Taguig City Jail

Vhong Navarro, nailipat na sa Taguig City Jail

NAILIPAT na sa Taguig City Jail si actor Vhong Navarro matapos na magdesisyon ang Taguig RTC na alisin na sa NBI Detention Center ang aktor.

Si Navarro ay sinamahan ng kanyang maybahay na si Tanya Bautista mula NBI patungong Taguig.

Sasailalim muna si Navarro sa 15 araw na quarantine at pagkatapos nito ay pag-aaralan pa kung siya ay ihahalo sa ibang inmates.

Ito ay nakadepende pa sa posibleng banta sa buhay ng aktor.

Maghihintay na lamang si Navarro kung kakatigan ng korte ang kanyang petition for bail para pansamantalang makalaya.

May kaugnayan pa rin ang kaso ng aktor sa rape case na isinampa ng dating model na si Deniece Cornejo.

Follow SMNI NEWS in Twitter