Vic Sotto, nagsampa ng kasong kriminal laban kay Darryl Yap

Vic Sotto, nagsampa ng kasong kriminal laban kay Darryl Yap

NAGHAIN ang TV host and movie actor na si Vic Sotto ng kasong kriminal laban sa movie director na si Darryl Yap.

Si Sotto ay sinamahan ng kanyang maybahay na si Pauline Luna sa Muntinlupa Regional Trial Court sa pagsasampa ng kaso araw ng Huwebes.

“A lot of people has been asking me kung ano ang reaction ko. Ito na po yung reaction ko. SAbi ko nga eh walang personalan ito. I just trust in our justice system. AKo ay laban sa mga iresponsableng tao lalo na pagdating sa social media,” ayon kay Vic Sotto – TV Host/Actor.

Ayon naman kay Atty. Enrique Dela Cruz Jr. abogado ni Sotto, 19 counts ng Cyber Libel ang kanilang inirereklamo laban kay Yap dahil sa mapanirang teaser video ng upcoming na movie na ‘The Rapists of Pepsi Paloma’.

Sa trailer, ay highlight sa eksena kung ni rape nga ba ni Vic Sotto si Pepsi Paloma.

Ayon sa abogado masama ang naging dulot ng trailer sa pamilya ni Sotto.

Nakatatanggap aniya ng rape threats si Paulene at pambubully naman ang nararanasan ng kanilang anak na si Tally sa eskwelahan.

‘’Maraming physical threats nung aming kliyente. natatakot silang pumunta sa public spaces ng walang bodyguards na dati ay hindi naman nila kinakailangan. Nakita mo naman how well loved he is and mababago ang ganyang kilos nya at pakitutungo nya kapag magpatuloy ang ganitong mga physical threats,’’ saad ni Atty. Enrique Dela Cruz Jr.

Sa isinampang cyber libel case ay may kalakip din itong claim for moral damages na nagkakahalaga ng dalawampung milyung piso.

‘’Ang libel ay di kasama sa pinoproteksyunan. Malaya kangmagbigay ng sarili mong katotohanan pero di mo pwedeng ibenta at manira ng iba. Kaya mayroong mga pelikula na gumagamit ng alyas, gumagamit ng ibang pamamaraan para di makasakit o makapanira ng iba. pero eto ay diretsahang tinawag na rapist ang aming kliyente,’’ ani Atty. Enrique Dela Cruz Jr.

Kaugnay nito ay ipinag-utos ng Muntinlupa RTC na tanggalin ang trailer ng pelikula at pagtigil sa pelikula sa lahat ng platforms sakaling lalabas.

Ito’y matapos katigan ng korte ang petisyon ng kampo ni Sotto na writ of habeas data dalawang araw na ang nakakaraan.

Ayon sa abogado, isinampa nila ang petisyon dahil sa nilabag ng pelikula ni Yap ang privacy right ni Sotto.

‘’Yun po ang basehan kung bakit nagfile kami ng writ of habeas data dahil walang consent at sa ilalim ng ating data privacy act ang mga sensitive personal information ay hindi mo pwede i-collect, i-process, i-share, i-disclose na walang pahintulot ng data subject,’’ saad nito.

Sa kabilang banda, ay sinabi naman ni Direk Darryl Yap sa kanyang post sa META na malayang makapagsampa ng kaso ang sinuman.

Naniniwala ang direktor na sa pamamagitan nito ay mas lilinaw ang katotohanan at masasagot ang mga katanungan sa isyu.

“Malaya ang sinuman na magsampa ng reklamo, para mas maging malinaw ang totoo. dahil sa huli, Katotohanan lang ang depensa sa lahat ng Katanungan,” ayon kay Darryl Yap.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble